Posts

Tula- Halimbawa ng teknikal-bokasyunal na sulatin

  TULA: Kahulugan, Elemento, Uri, at mga Halimbawa ng Tula Oktobre 09,2020 Ano ang Tula? Ang tula o panulaan ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin ng makata o manunulat nito. Kilala ito sa malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo. Nagpapahayag ito ng damdamin at magagandang kaisipan gamit ang maririkit na salita. Ito ay matalinghaga at kadalasang ginagamitan ng  tayutay . Ang tula ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, at lalabing-animing pantig. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong. Mga Elemento ng Tula Ang tula ay may walong (8) elemento. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Anyo Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay may apat (4) na anyo. Malayang taludturan  – walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay karaniwang ayon sa nais ng manunulat. Ang mga tulang isinulat ni  Alejandro Abadilla  a...